Showing posts with label Gracenote. Show all posts

Saturday, October 7, 2017

Monday, August 28, 2017

thumbnail

Gracenote - Ilusyon

Coke Studio PH: Ilusyon by Gracenote

Witness the Gracenote trio turn Abra’s hit rap song into a pop-rockin’ spectacle.



"Ilusyon" lyrics:

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Ilang dekada na ba?
Nakapagtataka na,
Wala pa ring pagbabago napagkatagal na,
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa,
pagtakpan ang matagal nang halatang halata.
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse,
Para di mangamote, bayanihan ang konte,
Matapobre, talagang plastikan ang forte,
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte.
Sakit ng lipunan kayo ang ebindensiya,
Sakit, oo pero ngayon ay epidemya.
At sa Pilipinas ang mga elektibo,
Nagpapakabiboat hindi epektibo.
Puro salita, pero ni wala man lang pruweba,
Nagpapakapropeta para walang protesta,
Sa nakaraang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Walang nakaisip ng nasa paligid,
Mabaho, madumi at kadalasan mainit,
Tambakan ng basura kahit na saang gilid,
Natrapik para bang kada kalsada makitid.
Laganap na kotongan, sus Maria,
Mga drayber tingin sa kanilang bus tamiya,
Bayarang kababaihan para boobs makita,
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita.
Kapag umulan, wag susubukang bumiyahe,
Madalas na pagbaha may lumulutang na tae,
Sandamukal na problema pupuhunan daw sabe,
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyare!!
Ngayon sabihin nyo kung nasa'n dyan ang pagbabago,
Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado,
Kasalukuyang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Maraming mga kababayang habambuhay na pagod,
Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad,
IIwan ang pamilya para ang tagumpay maabot,
Nakakaumay ang sagot kaya ako ay nayamot.
Di kayo makapagbigay ng mga trabaho,
Kaya di dapat kinailangan na mangako,
Sa'n ang pagbabago? Taray naman!
Imbes na magbagong buhay, bagong bahay na lang!
Habang maraming nagugutom at walang matirhan,
At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan,
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan,
Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pagbigyan.
Magandang kinabukasan naorasan ko yon,
Di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?
Kinabukasan na problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Wag na wag!
Wag na wag!


Sunday, August 27, 2017

thumbnail

Abra - Pause

Coke Studio PH: Pause by Abra

Abra reworked Gracenote’s “Pause” with a steady hip-hop beat and bonus bars.



"Pause" lyrics:

Posible pang mawala
Ang tiwala natin sa isa't-isa
Kung hindi ko sasabihin sa'yo ang

Lahat ng ginagawa
Bakit ba, bakit ba may mga bagay
Na hindi na dapat sabihin pa
Na iyong malaman
Eh wala naman talagang ginagawa

Ikaw naman, ikaw naman
Wag na mang-away
Ngingiti na yan, payakap na
Di lang naman ako ang mayroong sablay
Bat di mo na sinabi yan
Wag mo naman ako tignan nang ganyan
Sige na nga, ako na ang may sala
Kaibigan, kaibigan nga lang siya
Bat ayaw mong maniwala?

Hindi ka ba naiingayan
Sa lahat ng boses na sumisigaw
Sa likod ng utak mo, oh
Hindi pa ba sapat ang katotohanan
Lagi na lang ako ang napagbibintangan
Simula noong naging tayo, oh
Pagpaliban mo muna
Ang galit na iyong dinaramdam
At baka may masabi pang mali
At di makakatulong
Hihintayin ko na lang lumamig ang ulo mo
Tatahimik na muna
Para walang gulo
Ngayon ako pa rin ang talo

Ikaw naman, ikaw naman
Wag na mang-away
Ngingiti na yan, payakap na
Kaibigan, kaibigan nga lang siya
Bat ayaw mong maniwala?

Hindi ka ba naiingayan
Sa lahat ng boses na sumisigaw
Sa likod ng utak mo, oh
Hindi pa ba sapat ang katotohanan
Lagi na lang ako ang napagbibintangan
Simula noong naging tayo, oh

Teka lang
Puwede namang tumigil
Kahit saglit pigilan mo ang gigil
Di mo ba, di mo ba kayang magpahinga?
Wala naman, wala namang magwawala
Hindi ka ba naiingayan
Sa lahat ng boses na sumisigaw
Sa likod ng utak mo, oh
Hindi ka ba naiingayan
Sa lahat ng boses na sumisigaw
Sa likod ng utak mo, oh
Hindi pa ba sapat ang katotohanan
Lagi na lang ako ang napagbibintangan
Simula noong naging tayo, oh

Hindi ka ba naiingayan
Sa lahat ng boses na sumisigaw
Sa likod ng utak mo, oh
Hindi pa ba sapat ang katotohanan
Lagi na lang ako ang napagbibintangan
Simula noong naging tayo, oh


Saturday, August 26, 2017

thumbnail

Abra x Gracenote - Stargazer

Coke Studio PH: Stargazer by Abra X Gracenote

Abra and Gracenote express how it feels to stick it through with friends and loved ones in this original collaboration for Coke Studio.



"Stargazer" lyrics:

Billion stars
Many people that i know so far
bruises and scars in the galaxy
twenty four hours, dreamin about living on mars
the universe has brought you here to me

whether you're my sister
mother, father, lover
or a friend
what we call each other we belong together so take my hand
whether you're my brother
mother, father, lover
or a friend
ill be right here

Nakatitig na naman sa kawalan
Tanong ko lang, hanggang san kaya ang hangganan niyan?
Hanggang saan? Hanggang kailan?
Pano kung hanggang bukas na lang ang
magpasawalanghanggan?
Di ko maintindihan, ang takbo ng kalawakan
Laging ambilis ng oras kahit ambagal ng lakad
Dahil, sadyang lumilipas ang panahon
Kaya, wag kang magsasayang ng pagkakataon, talon

Magkatabi, kahit magkalayo
Magkaiba, pero nagkatagpo
Magkamag-anak man o magkaibigan
Kahit may hidwaan nagkakaintindihan
Akalain mo yon, napakarami ng tao
Tapos nagkataon, na nagkakilala pa tayo
Pagkat magkapitbahay man o magkabilang dako
Kabilang tayong lahat at parte ng iisang plano
Tadhana nga naman, sadyang mapaglaro
Kaya pala nagkasundo kami nung bata pa ako
Kung sinu-sino na, aking nakasalamuha
Lungkot at ligaya ang mga naging dahilan ng pagluha
At bumuo, sa aking pagkatao
Natuto, sa mga puna at mga payo
Kung tutuusin, ang buhay ay katuwaan
Na kailangan may kalungkutan upang maunawaan, maisakatuparan


Thursday, March 23, 2017

thumbnail

Gracenote ft. Yeng Constantino - Bilog Lyrics

Bilog ang mundo at umiikot na di mo
Namamalayan sa pagsikat ng ginto
Sa kalagitnaan ay hindi mabibigo
Pagkat alam mong nandiyan lang

Ang panahon
Umaatras pabalik-balik
Parang alon
Umuurong sumusulong
Walang hinto
Parang gulong pataas baba
Walang dulo
Ay hindi meron pala

Akala mo paikot ikot lang
Paikot ikot lang…

Bilog ang buwan pansin mo ba na pwede ka
Mabangga o madapa mahalaga
Bumabalik bumabalik andiyan ka pa
Meron ka pang magagawa wag kang matakot
Na magsalita oh may pag-asa pa
Para gawin ang di mo pa nagagawa
Gawin mo na ngayon bago pa mapunta
Sa daan na di mo na kayang iwanan

Umikot ikot lang…

Paikot ikot lang…