Monday, August 28, 2017

thumbnail

Gracenote - Ilusyon

Coke Studio PH: Ilusyon by Gracenote

Witness the Gracenote trio turn Abra’s hit rap song into a pop-rockin’ spectacle.



"Ilusyon" lyrics:

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Ilang dekada na ba?
Nakapagtataka na,
Wala pa ring pagbabago napagkatagal na,
Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa,
pagtakpan ang matagal nang halatang halata.
Palakihan ng lote, paramihan ng kotse,
Para di mangamote, bayanihan ang konte,
Matapobre, talagang plastikan ang forte,
Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte.
Sakit ng lipunan kayo ang ebindensiya,
Sakit, oo pero ngayon ay epidemya.
At sa Pilipinas ang mga elektibo,
Nagpapakabiboat hindi epektibo.
Puro salita, pero ni wala man lang pruweba,
Nagpapakapropeta para walang protesta,
Sa nakaraang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?
Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Walang nakaisip ng nasa paligid,
Mabaho, madumi at kadalasan mainit,
Tambakan ng basura kahit na saang gilid,
Natrapik para bang kada kalsada makitid.
Laganap na kotongan, sus Maria,
Mga drayber tingin sa kanilang bus tamiya,
Bayarang kababaihan para boobs makita,
Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita.
Kapag umulan, wag susubukang bumiyahe,
Madalas na pagbaha may lumulutang na tae,
Sandamukal na problema pupuhunan daw sabe,
Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyare!!
Ngayon sabihin nyo kung nasa'n dyan ang pagbabago,
Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado,
Kasalukuyang problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Maraming mga kababayang habambuhay na pagod,
Pagkat hanap nang hanap ng hanapbuhay sa abroad,
IIwan ang pamilya para ang tagumpay maabot,
Nakakaumay ang sagot kaya ako ay nayamot.
Di kayo makapagbigay ng mga trabaho,
Kaya di dapat kinailangan na mangako,
Sa'n ang pagbabago? Taray naman!
Imbes na magbagong buhay, bagong bahay na lang!
Habang maraming nagugutom at walang matirhan,
At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan,
Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan,
Kayo ang boses ng taong di nyo kayang pagbigyan.
Magandang kinabukasan naorasan ko yon,
Di ba dapat ngayon ang kinabukasan noon?
Kinabukasan na problema ano ang solusyon?
Kung lahat ng nakikita ko'y isang Ilusyon?

Nasa'n na ba ang pagbabago? (Sa'n?)
Wala pa rin pala,
Kaming mga bulag sa katotohanan ngayon nakakakita na.
Kayo na nga 'tong pumapapel
pati ba naman ngayon nakikipagplastikan pa?
Bahala na kayo sa buhay nyo basta wag nyo kong gagawing tanga.
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga
Wag nyo kong gagawing tanga

Wag na wag!
Wag na wag!


Subscribe by Email

Follow Updates Articles from This Blog via Email

No Comments