Gusto ko lang naman ay marinig mo
Ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw
Kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin…
Ako’y isang bituin
Kumikinang-kinang
‘Di dahil isang kilalang nilalang
Iba ang dahilan
Sa katunayan nga ay lagi nilang nila-“lang”
Pero ayos lang kasi wala na ‘kong pakialam
Kung isa man ako sa mga iniidolo
O isa ako sa mga kinabi-bwisitan ni’yo
Isa man akong munting kislap sa paningin ninyo
Ako naman ang araw ng sarili kong mundo
Naiintindihan ko ang aking kapalaran
Kahit tindihan ko at akin pang lawakan
Ay hindi lahat ng tao ay abot ang kalawakan
Malayo agwat kaya’t ‘di sya maliwanagan
Ito ang pinasok kaya dapat tanggapin
Oo tanggap ko nais lang sana kitang tanungin
Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling
Gusto ko lang naman ay marinig mo
Ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw
Kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin…
Ako’y isang bituin
Kung kukumpara ay bago lang ako sa rap
Sinwerte at napabilang sa isang patimpalak
Pero ako ay minalas rin yata, sapagkat
Halos lahat yata ng laban ko ako’y tambak
Ngunit tuloy pa rin sa sabong isinugal lahat
Kahit na ako ay dehado pati pato, nilapag
Alam ni kristo kung sino ang pilit nilalaglag
Kaya yung ‘di nila manok ang tinubuan ng pakpak
Nakalipad paahon sa kabila ng panahon
Pero kinaila halo-halo ang rason
Ganito kasi, eh kasi gano’n
Sa kanya na nga nanggaling kasalanan ko ba ‘yon
‘Pag pabor sa inyo trip na trip ni’yong banggitin
Pero pag hindi bakit ‘di ni’yo kayang tanggapin?
Bakit ang tao ‘pag nakakakita ng bituin
Ang pagbagsak nito ang katuparan ng kanyang hiling
Gusto ko lang naman ay marinig mo
Ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw
Kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin…
Ako’y isang bituin
Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili’y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako’y hindi nababahala
(Ako’y isang bituin)
Madilim na paligid ay nakakahawa
Sa sarili’y mawawalan ka ng tiwala
Pero ako’y hindi nababahala
(Ako’y isang bituin)
Ako ay andito
Gabi-gabi kasi
Hindi makukuha sa isang gabi
Ang aking mga pangarap na minimithi
Hindi madali kaya hindi minamadali
Kaya pila lang ng pila, tira lang ng tira
Iba nagpapatira pa para magka tira
Gusto mo magbago? Ang sagot niya hindi na
Kung ang akala mo huli na ang lahat, hindi pa
Hindi ka dapat makuntento sa katuwirang baluktot
Porke ba kumportable ayos lang na malungkot
Ayaw mo masipa kaya ayaw sumuntok
Hindi porke’t napasubo kailangan na ilunok
Alam mo sa sarili kailangan mo gawin
Kung gusto mo tanggapin, ang sarili ay tanggapin
Dahil ang tao ‘pag ‘di nakakakita ng bituin
Ang pagdating nito ang katuparan ng kanyang hiling
Gusto ko lang naman ay marinig mo
Ang aking tinig
Kasabay ng liwanag sa paggising
Palubog na ang araw
Kailan ba diringgin
Pero ayos lang kung dumilim
‘Pagkat sa gabi kumikinang ang bituin
Bituin…
Ako’y isang bituin